Wednesday, December 5, 2012

LTO Experience


Just want to share my experience in applying and getting my driver's license. Last Monday nagpunta kami sa LTO Kalookan to apply for my driver's license, nag-offer ang cousin ko ng help para mabilis ko daw makuha yung lisensya kasi may kakilala sya sa loob. I accepted her offer kasi madami akong nababalitaan na matagal at nakakapagod daw kumuha nun. So tinawagan nya yung kakilala nya at sinabing magkikita kami sa LTO ng 8:00am. We were there with my sister before mag 8, konti pa lang ang tao pero ala pa yung contact ng cousin ko, while waiting binasa ko yung nakapost sa wall ng LTO, requirements and steps para makakuha ng lisensya. Nakalagay dun na 417.63 lang ang babayaran plus yung application fee and comp fee na 167.63. Bukas na yung mga windows ng mga counters ala pa yung kausap namin so pumila na ako dun sa kuhanan ng application form, tinanong ako nung nagbibigay ng form kung new license sabi ko oo, binigyan nya ako ng form pero meron syang inistaple na 2 small pieces of paper dun sa upper part ng form na may sulat ng pangalan nya, akala ko kung ano yun nung binasa ko pangalan nung pagkukunan ng med exam saka drug test, itinuro pa nya sa kin kung saan banda ng lto nakapwesto. Papunta na sana kami dun nung biglang nagtext yung kakilala ng pinsan ko, pinapunta kami dun sa side ng rehistro ng mga sasakyan, umikot kami sa likod kinuha nya yung form sa akin nakita nya may nakastaple tinanong nya sa kin bat may ganon sabi ko di ko lam, binigay lang naman sa kin yung form na meron na nun. Tinanggal nya yung papel then may pinasukan kaming door pinapunta ako dun sa babaeng nakaupo sa dulo tinawag nyang doc. Pinatayo ako sa timbangan pero di naman nya tiningnan yung timbang ko, pinaupo ako at ininterview, tinanong nya grado ng salamin ko, kung ala daw ba kong birth defects, height ko, then after lang siguro ng a minute or two tapos na, pinapunta naman nya ako dun sa girl malapit sa bintana, siningil ako ng 100pesos. Tapos nun ikot kami sa may likod  may daan pala dun papunta sa kabilang bldg. pinagintay ako sandali tapos inabot sa kin yung form ko may nakastaple ulit na papel. Nakasulat naman yung name ng lab kung san ako kukuha ng drug test, nakasulat din yung name nung kausap namin. Pagdating sa lab fill up ako ng form, pinawiwi, after ng 10-15mins ok na nakuha ko na yung paper certifying na nega ang result ko. Balik ulit kami sa LTO, nasa loob na yung kausap namin pinalapit ako sa window tapos kinuha yung papel may inabot sa kin na reviewer para sa written exam. After 10mins tinawag ako sa window 4 para kunan ng picture and signature after that tinawag naman ako sa window 5 bayad naman ako ng application fee na 167.63 may inabot na papel yung kahera nakalagay umatend ng lecture sa lecture room sa likod dun ibibigay ang resibo. Pagpasok ko may ilang applicant na andun hintay lang ako ng sandali maya-maya tinawag yung name ko nung babaeng nasa table na mukhang estudyante lang binigay yung resibo sa kin tapos pinapipirma ako sa log book, sabi ko "asan ang ballpen miss?" di ako pinansin ng bruha at sinabihan ako na black ballpen ang gamitin ko. Buti na lang may dala akong sariling ballpen, gusto ko sanang sabihan yung girl na nagpapapirma kayo pero ala naman kayong ballpen, hindi naman lahat ng applicant may dalang sariling pen, kaso di ko na sinabi baka madeny pa ko sa pagkuha ng lisensya. After ibigay yung resibo may binigay na folder, reviewer pala yun, akala ko may lecture pa kasi nakalagay dun sa paper na binigay earlier "umattend ng lecture" pero ala naman pala, may mga lalaking nakaupo sa likod mga tauhan din dun sinabi lang na reviewhin namin mabuti yung reviewer. Then tapos nun pinalipat naman kami sa examination room, pinagexam, sabi nung examiner bawal ang erasure kasi daw computer ang magbabasa nung test pag nagkamali kami di na pwede, uulit na naman kami sa pagkuha ng application, sa loob-loob ko "ganon? e di babayad na naman kami nun?" Less than ten minutes ko lang sinagutan yung exam naks ang yabang noh? pero may mali akong isa sure na ko hehehe, sabi nung examiner wait na lang daw kami sa labas na tawagin yung name ng mga nakapasa tapos magbabayad na then wait na lang yung I.D. Habang nagiintay kami tinawag ako nung kakilala ng pinsan ko pinakausap sa kin sa cp yung pinsan ko, yun pala tinawagan na sya ng pinsan ko para asikasuhin yung papel namin nang makauwi na kami, ndi na namin kailangan hintayin yung I.D. sya na ang mag-uuwi at ibibigay sa pinsan ko. Tinanong ko kung magkano iiwanan kong pera kahit alam ko na kung magkano na lang ang dapat bayaran kasi nakapost naman sa wall, nagulat ako nung 1,650 ang hinihingi nya, di naman ako makaangal dahil di ko lam kung meron pang ibang fee na dapat bayaran. Wala akong barya so 2k ang ibinigay ko sa kanya, sabi nya ibibigay na lang nya yung sukli saka resibo sa pinsan ko. Nung pauwi na kami inis na inis ang sister ko kasi daw e halos wala namang ginawa yung kausap namin tapos ang laki ng siningil, sabi ko sa kanya wait na lang namin yung resibo baka kasi meron pang ibang babayaran kaya ganun ang hiningi. Kinagabihan tenext ako ng pinsan ko nasa kanya na daw yung I.D. ko, the following day pinuntahan ko sa kanila, binigay nya sa kin kasama resibo di na ko nagtanong, pagdating sa bahay dun ko na lang tiningnan yung resibo and to my surprise 417.63 lang ang amount ng resibo.Yun lang talaga ang babayaran, yun din yung nakapost sa wall ng LTO. Nagcompute ako isinama ko pati yung bayad sa medical and drug test, 100.00 medical, 300.00 drug test, 167.63 application and comp fee, 417.63 license and comp fee for a total of Php 985.26 lang, langya nagbigay ako ng 1,650 sa kanya to think na ang huling babayaran ko na lang e yung 400+. 1,650.00 less 417.63 is 1,232.37, Ganun kalaki yung kickback na nakuha sa kin, ang akala ko e ok na yung 500pesos na lagay, kung tutuusin malaki na nga yun to think na ala naman din syang ginawa dahil dumaan din naman ako sa normal process, hindi ko na nga lang inantay yung I.D. I've learned my lesson, wag nang kumuha ng backer or fixer kung kaya ko din naman na ako na lang ang lumakad, isa din ako sa mga kumunsinti sa pagiging corrupt nila. Grabe ganyan kacorrupt ang mga taong gobyerno, hindi ko naman nilalahat pero most of them corrput talaga. Feeling ko nagantso ako, nagpaloko ako, sa susunod talaga ndi na ako papatol sa ganyan, ako na lang ang mag-aasikaso.